Thursday, January 21, 2010

hasykul layp

Pagkagising ko lagi sa umaga, isiniswitch ko ang computer ng asawa ko para magcheck ng facebook, kung may mga bagong updates sa mga friends or sa whatever. Tapos tinignan ko ung notifications ko sa lower right ng webpage at nakita kong may red, kaya ni-click ko ito, tapos sabi churvaness commented on a photo of you. Sabi ko sa sarili ko "ah tag na naman ito". Pagkaclick ko nun, aba ang lumabas na picture eh ung picture namin nung senior prom. I was like "eewie" (maarte?). Well, ang pangit ko kasi dun haha. Pangit nman talaga ako (sabi ng asawa ko, pero mama ko sabi maganda daw ako, hmmm). At ndi pa ako nakangiti jan. Syempre katabi ko ung bespren ko dun sa hayskul pic na un. Actually, iilan lang ang nakangiti samin. Sa sobrang dami ba nman ng magpipicture sa amin nun, di ko alam kung saang camera dapat tumingin. Candid-candidan tuloy ang drama nungpicture. Pero naisip ko ngaun na dapat tumingin na lang sana ako dun sa photographer na inupahan ng school namin kesa dun sa mga magulang na may dalang camera na nakikipagsabayan sa opisyal photographer. duh! Napakastupid lang dahil walang kailaw ilaw (studio lights) para mukha naman kaming mamahalin sa prom picture namin. Isa pa yung epal na tiles nung lugar, sobrang kintab, kaya ung ilaw sa ceiling nakikita sa tiles at tumatama sa mga mukha namin. Ang resulta: uneven skin tone. Maputi ung bandang ilong, sa noo maitim, sa baba maitim etc. nakakatawa lng talaga.

Pero kahit pangit ako dyan, namimiss ko yang mga araw n yan. Puro gimik, kahit di pwedeng lumabas, cge pa rin. Iinom sa bahay ng kaklase, magdidisco, tatambay sa kung saan. Pupunta ng mall, wala namang pera, papacute lng sa mga tao tao. Magsisine, magsswimming, birthday ng barkada, kainan. Binge eating! Purita kasi ako ng mga araw na yan. Kulang yung binibigay na baon sakin, ung mga barkada ko, magsisine, kakain sa labas, kami ng bespren ko, purita mirasol. Walang pera. Pero di naman ako nag-e-MMK. Sinasabi ko lang ang hayskul layp ko dati. Tapos kami pa ng bespren ko, walang nanliligaw samin, kahit anong gawin naming pakyut (haha, pathetic namp!) samantalang ung mga ibang kabatch namin, super saiyan ung level ng ligawan lampungan hipuan. Chos! Wala pang hipuan dati, pagirl pa.

Walang nanliligaw sa amin, inggit kami ever. Kaya nung may nanligaw sa amin ng bespren ko, sinagot naman namin agad. And syempre dahil puppy love DAW yang mga hayskul eklat na yan, di rin nagtagal mga relasyon namin sa mga "bf" namin. Keber! Life goes on.

Well, sobrang ibang iba na talaga ang mga hayskul students ngaun kumpara sa mga era namin. Dati mga pakyut lang kami, pagirl, ayaw pa magjowa etc. Ngaun, halos lahat ng hayskul students, may jowa na. Papasyal ka sa mall, makakakita ka ng mga grupo ng kabataang maingay, tawa ng tawa, naghaharutan, tapos dun sa grupong yun, may isang lalaki at babae na tahimik, ndi nakikipagharutan sa grupo -- holding hands while walking, pasway sway pa. Aba eh di malaman kung nagpapakyutan sa isa't isa, pagentleman, tapos pagirl naman ung isa. nagliligawan ba o magjowa na. Isa pang napansin ko sa mga hayskul peeps ngaun ay yung paraan ng pagtetext nila. mInZan KzeH gAnT0h p0H cLa mAgtext, jejeje!.... Mga jeje nyahaha. Well, gnyan talaga, mga bata pa kasi sila. Deadma na lang. Ako naman, magaalaga na ng aking beybi boy baboy. Bye-o!